PSA, naglunsad ng website para sa pagpapadali ng pag-access sa impormasyon

Inilunsad ng Philippine Statistics Authority (PSA) ang bagong website nito para mapadali ang access ng impormasyon sa mga estudyante, data analysts, at sa publiko.

Read More:  Marcos maintains trust in Dizon amid SEA Games probe

Ayon kay National Statistician Undersecretary Claire Dennis Mapa, ang bagong website ng ahensya ay mobile friendly, at may mga features na mapapabilis ang paghanap ng datos.

Dagdag pa ni Mapa, ito’y one-stop platform para sa pagkuha ng mga data tungkol sa ekonomiya ng bansa.

Read More:  Lacson calls Marcoleta’s recovery a ‘miracle’ after hospital discharge

Aniya, maaari pang i-upgrade ang website ng PSA sa hinaharap para matulungan ang publiko na magkaroon ng access sa mahalagang impormasyon tungkol sa Pilipinas.