Sec. Remulla, nakapagbitiw ng maling impormasyon sa nawawalang PDL

Nilinaw ni Department of Justice (DOJ) Secretary Boying Remulla na mali ang unang impormasyong ibinahagi tungkol sa nawawalang inmate sa Bilibid.

Matatandaang sinabi ni Remulla na ang katawan ng isang Person Deprived of Liberty (PDL) na si Michael Cataroja ay natagpuan sa loob ng septic tank.

Read More:  China warns of more entry bans over Jing Quan dispute

Ayon sa kalihim, biktima siya ng ‘fake news’ dahil ito ang paunang ulat na sinabi sa kanya ng mga otoridad.

Read More:  Ridon calls for probe into pro-Duterte, pro-China personalities

Kaugnay rito, hindi naman niya binanggit kung kanino siya nakakuha ng maling impormasyon.

Samantala, itinanggi naman ng Bureau of Corrections (BuCor) na sila ang nagpakalat ng ‘fake news’ dahil nanatili na nakalistang ‘nawawala’ si Cataroja sa New Bilibid Prison (NBP).