Dinepensahan ng Department of Budget and Management (DBM) ang confidential and intelligence funds ng gobyerno.
Ayon kay Budget Secretary Amenah Pangandaman, may guidelines ‘naman’ ang paglalabas ng pondo, at hindi maaring isa-publiko dahil puwedeng ma-hack ito ng mga hackers.

Sa huli, sinabi ni Pangandaman na makaka-benepisyo ang bansa dahil ang naturang pondo ay ginagamit bilang pang-akit sa mga posibleng investors sa bansa.
Samantala, giit ni Gabriela Representative Arlene Brosas na mas mabuting ‘zero budget’ dahil hindi sapat ang inilabas na guidelines nito at mas importante pa na ilaan sa pondo ng social services.