PSA, iniulat na papalo na sa 50-M ang mga naimprintang national IDs

Iniulat ng Philippine Statistics Authority (PSA), na papalo na sa mahigit 50 milyong na national IDs, kabilang na ang electronic versions ang naimprinta. 

Ayon sa PSA, kabuoang 30,558,332 ang PhilIDs, habang 19,703,727 ang ePhilIDs na inisyu sa mga rehistradong indibidwal as of Feb. 2.

Read More:  Lacson: online participation may not be allowed in impeachment trial

Mula sa bilang ng mga naimprintang PhilIDs, 23.25 million dito ang naideliver na as of Jan. 31.

Ayon kay PSA Usec. Dennis Mapa, National Statistician and Civil Registrar General, ang kanilang ahensya, kasama ang iba pa nilang field offices at partner agencies ay nagpatupad ng mga istratehiya na makapagbibigay sa mas maraming Pilipino sa kanilang national ID, upang agad magamit ang mga benepisyo ng PhilSys.

Read More:  Sen. Bato still not allowed virtual Senate attendance

Sa ngayon, mahigpit na nakikipag-ugnayan ang PSA sa Bangko Sentral ng Pilipinas upang mapabilis ang issuance ng PhilIDs.