Grupo: lalo lang lalala ang krisis sa pagkain at agrikultura sakaling ipatupad ang Cha-cha

Nagbabala ang isang peasant women’s group na ang panukalang Charter change (Cha-cha) ay magpapalala lang sa umiiral ngayon sa food insecurity at landlessness sa bansa.

Ayon kay Amihan National Federation of Peasant Women chairperson Zenaida Soriano, na ang importation ay tataas sakaling maipatupad ang Cha-cha.

Read More:  Comelec issues subpoena to contributor in Escudero’s election campaign

Giit ni Soriano, hindi Cha-cha ang hinihiling ng mga magsasaka at maralita sa bansa, kundi solusyon sa nagaganap na krisis sa pagkain at agrikultura.

Paliwanag nito, na kapag ipinatupad ang Cha-cha, totodo ang importasyon, kakamkamin ang mga sakahan, babagsak lalo ang lokal na produksyon, at didiktahan ng dayuhang monopolyo ang mga presyo ng pagkain, na magreresulta sa paglala ng krisis na nararanasan ng mamamayan. Sinabi pa ng grupo na ang pagtanggal sa protectionist measures sa kasalukuyang 1987 Constitution at reliance sa foreign investments ay magdudulot sa exploitation ng natural resources.

Read More:  DENR preparing for possible impact of Super El Niño