Aktibong kaso ng COVID-19 sa Bicol, sumipa na sa 2.7K matapos madagdagan ng mahigit 200 bagong kaso kahapon

BNFM BICOL—Patuloy ang pagsirit ng mga naitatalang kaso ng COVID-19 sa Bicol Region magda-dalawang linggo matapos ang pagpasok ng bagong taon.

Batay sa tala ng Department of Health-Bicol kahapon araw ng Linggo, umabot sa 261 ang mga naitalang bagong kaso ng sakit sa rehiyon.

Mula sa naturang bilang, 158 nito ang mula sa probinsya ng Camarines Sur kung saan 73 ang mula sa Naga City; 17 sa bayan ng Goa; siyam sa Camaligan; walo sa Bula; pito sa Libmanan; anim sa Cabusao; tag-limang kaso ang bayan ng San Jose at Sipocot; apat sa Buhi; tigta-tatlong kaso ang mga bayan ng Baao, Nabua, Pili at San Fernando;  tigda-dalawa ang mga bayan ng Bato, Magarao at Sañgay habang tig-iisa naman ang naidagdag sa mga baya ng Calabanga, Canaman, Minalabac, Pamplona, Tigaon at Tinambac.

Read More:  NYLI pushes mental health-centered climate resilience through project OASIS

Umabot naman  sa 43 ang bilang ng mga naitalang kaso sa Sorsogon  kung saan 11 nito ang mula sa Sorsogon City; tag-pitong kaso ang Bulan at Gubat; anim sa Prieto Diaz; tag-tatlo ang  Irosin at Matnog habang may tig-iisa naman ang mga bayan ng Barcelona, Bulusan, Casiguran, Juban, Magallanes at Sta. Magdalena.

Sa lalawigan ng Camarines Norte, 32 naman ang naitalang bagong kaso ng COVID-19 kung saan sampo nito ang mula sa Daet, walo sa Jose Panganiban; anim sa Labo; lima sa Basud; dalawa sa Mercedes at isa sa San Vicente.

May 19 naman na naidagdag sa lalawigan ng Albay kung saan apat nito ang mula sa Legazpi City; tag-tatlong kaso ang bayan ng Malilipot at lungsod ng Tabaco; tag-dalawa ang Bacacy at Daraga habang tag-iisang kaso naman ang mga bayan ng Camalig, Guinobatan, Malinao, Tiwi at lungsod ng Ligao.

Read More:  Rider dies after crashing into trailer truck in Davao City

Sa mga islang lalawigan, apat ang naidagdag sa Catanduanes kung saan tatlo nito ang mula sa Virac at isa sa bayan ng San Andres habang may isang kaso rin ang Masbate na mula sa Masbate City.

Apat na kaso rin ng sakit ang mula sa labas ng Bicol ngunit ditto naitala sa loob ng rehiyon.

Bunsod nito, pumalo na sa 47,841 ang kabuuang kaso ng  COVID-19 sa Bicol kung saan 2,764 sa  mga ito ang aktibong kaso.

Samantala, nasa 14 naman ang mga bagong gumaling kung kaya’t nasa 43,078 na ang COVID-19 recoveries sa rehiyon habang nananatili naman sa 1,999 ang COVID-19 death toll sa Bicol.###