Nagbigay na ng direktiba si PNP Chief Gen. Rommel Francisco Marbil sa kanyang mga field commanders na tukuyin ang mga posibleng areas of concern sa 2025 national and local elections.
Ayon kay PNP Public Information Office Chief Col. Jean Fajardo, ito ang guidance ni Gen. Marbil sa command conference sa mga Regional Commanders kahapon, ilang araw bago magsimula ang filing ng Certificate of Candidacy sa October 1 hanggang October 8.
Paliwanag ni Fajardo, inaasahang magiging mainit ang eleksyon dahil sa magkakakilala at magkakamag-anak ang posibleng magkalaban.
Kaugnay nito, pinatutukoy na rin sa mga City at Provincial Directors kung sino-sino ang maghahain ng COC at magkakalaban saga lugar sa bansa at may mga private armed groups.