Pinirmahan ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang batas ang panukala na magbabawal ng child marriage sa Pilipinas.
Inilabas ng Palasyo nitong Huwebes ang kopya ng Republic Act 11596 o An Act Prohibiting the Practice of Child Marriage and Imposing Penaties for Violations Thereof, na pinirmahan ng Pangulo noong December 10, 2021.
Tinukoy ng batas ang child marriage bilang anumang uri ng kasalan kung saan ang isa o parehong partido ay bata na under 18 years old.
Nagpasalamat naman ang author at co-sponsor ng batas na si Deputy Speaker Bernadette Herrera-Dy sa House of Representatives at kay Pangulong Rodrigo Duterte.
Nagbabala siya na maaring magmulta ng tinatayang P40,000 at maharap sa 12-taong kulong ang mga officers, parents, guardians, o adults na sangkot sa fixed, facilitated, o arranged child marriage.
