15 PSG members, positibo sa COVID-19

Nagpositibo ang 15 miyembro ng Presidential Security Group (PSG) sa COVID-19.

Sinabi ni PSG commander Colonel Randolph Cabangbang na fully vaccinated ang mga nagpositibo sa swab test.

Read More:  Transport groups seek ₱2 fare increase, warn of nationwide strike

Ipinunto rin niya na asymptomatic silang lahat.

Tiniyak naman ni Cabangbang na hindi na-expose kay Pangulong Rodrigo Duterte ang mga nasabing tauhan ng PSG dahil kagagaling lamang ng mga ito sa holiday break.

Read More:  Gatchalian says online memes over impeachment seating hurt

Sinigurado naman ni Cabangbang sa publiko na nanatiling masigla at may kakayahan ang PSG na protektahan ang Pangulo.