PRRD papangalanan ang pinaka-corrupt sa mga presidential bets bago ang eleksyon

Papangalanan umano ni Pangulong Rodrigo Duterte kung sino ang pinaka-corrupt na presidential bets bago ang araw ng eleksyon sa Mayo.

Ayon kay Pangulong Duterte, obligasyon niya na sabihin sa publiko kung ano ang kanyang mga nalalaman tungkol sa mga kakandidato na siya aniyang makakatulong sa pagdedesisyon ng bawat Pilipino kung sino ang iboboto.

Read More:  Bong Go leads 2028 vice presidential preference survey with 31%

Hindi aniya siya namumulitika bagkus sinasabi niya ito upang malaman ng tao kung sino ang tamang iboto sa darating na eleksyon.

Kaugnay nito, sinabi pa ng Pangulo na sa mga tatakbong Presidente, mayroon aniyang hindi pupwedeng maging presidente at mayroon din naman aniyang maaaring susunod na Pangulo ng bansa ngunit corrupt.

Read More:  Jobless Filipinos decline to 2.77 million in August

Akala lamang daw ng mga tao ay malinis ang pinatutungkulan niyang kandidato ngunit marami na raw nagreklamo rito na masyado ngang corrupt.

Sa ngayon ay wala pa namang pinapangalanan ang Pangulo kaugnay sa kanyang pinatutungkulan.