PRRD, nagbabala na ipaaresto ang mga tao na ayaw magpabakuna

Nagbabala si Pangulong Rodrigo Duterte na pwedeng maharap sa aresto ang mga indibidwal na tatangging magpabakuna.

Sinabi ng Pangulo na nahaharap sa krisis ngayon ang bansa, at meron national emergency.

Iginiit ng Punong Ehekutibo na handa siyang ipaaresto ang kahit sino na ayaw magpabakuna para sapilitan itong maturukan.

Read More:  NBI may invite Padilla over Dela Rosa’s whereabouts

Dagdag ng Pangulo, pwedeng umalis ang kahit sino mula sa bansa at magtungo sa India o Amerika kung ayaw nilang magpabakuna.

Read More:  BOC disposes remaining vehicles linked to Discaya couple

Aminado ang Pangulo na ikinainis nito ang mga ulat na meron mga tao ang ayaw sumunod sa panawagan ng gobyerno na magpabakuna.

Kasalukuyang nagpapatuloy ang vaccination roll out sa Metro Manila, habang nakatanggap na ang ibang mga probinsya ng libo-libong doses ng bakuna.