PRRD nag-iimpake na sa Malacañang, 4 na buwan bago bumaba sa pwesto

Sinimulan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pag-iimpake ng mga gamit para makaalis ng maaga sa Malacañan Palace sa gitna nang nalalapit na pagtatapos ng kanyang termino sa susunod na apat na buwan.

Sa talk to the people address, sinabi ng Pangulo na balak niyang bumili ng maliit ng condo unit para may matuluyan siya dito sa Metro Manila.

Read More:  Palace urges Senator Bato to face ICC process

Sinasanay na umano niya ang kanyang sarili na hindi matulog sa Malakanyang at maghihintay na lang na matapos ang kanyang termino.

Read More:  Cayetano warns of ‘sabotage’ in impeachment process ahead of 2028 elections

Hihintayin din ng Pangulo ang ang araw ng turnover o ang Presidential Inauguration para imbitahan ang bagong Presidente upang makausap ito.

Magbibigay din umano ng talumpati ang pangulo upang pasalamatan ang mga taong nagluklok sa kanya para maging Pangulo ng bansa.