HERTF at VP Leni Robredo may pakiusap sa ligtas na proclamation rally ngayong araw

NAGA CITY- Aarangkada na ang campaign period para sa National Candidates, gaganapin sa Naga City  na ang Proclamation and Grand Rally ng kaisa-isang babaeng at Bicolanang kandidato sa pagkapangulong si Vice President Leni Robredo at line up nito.

Kaugnay nito nakikiusap ang Health Emergency Response Task Force sa publiko na sundin ang health protocols. Sinabi ni Liga ng mga Barangay President/ Coun. Dodit Beltran na miyembro ng HERTF, nagpulong sila ng mga opisyal ng Barangay at ipinapakiusap na ang mga senior citizen at with comorbidity na dadalo ay mag doble facemask. 

Read More:  Missing 19-year-old woman found dead in Cebu

Sa pagdalo ni Robredo sa pormal na pag iindorso sa kaniya ng Kusog Bicolandia Partylist , nagpahayag din ito ng pakikiusap sa ibang mga kababayan na ang mga hindi makakasama sa motorcade ay mag-abang na lamang sa kanilang mga tahanan. Ayaw kasi ng opisyal na maging napakabigat ng daloy ng trapiko.

Read More:  Caretaker dies after stabbing incident in San Vicente, Palawan

Samantala ang dating plano na gagamitin ang Magsaysay Avenue ay nabago, bagkus sa Plaza Quezon na sa centro ng Naga matapos ang pag-iikot sa ialng bahagi ng Camarines Sur. Hindi na rin sa Immaculate Concepcion gaganapin ang misa kundi sa Naga Cathedral.