Border ng Australia bubuksan para sa mga fully vaccinated

Inanunsyo ng Australia na magbubukas na muli ito ng kanilang border sa mga vaccinated tourist at iba pang visa holders sa unang pagkakataon matapos ang halos dalawang taon dahil sa COVID-19 pandemic.

Sinabi ni Prime Minister Scott Morrison na bukas na muli sila sa pag-welcome sa mga double vaccinated individuals.

Read More:  ‘Star Trek’ and ‘X-Men’ actor Patrick Stewart dies at 86

Ipinaalala ni Morrison na kailangang may maipakitang proof of vaccination ang mga dayuhang papasok sa Australia.

Pormal na magsisimula ang pagtanggap ng Australia sa mga dayuhan sa February 21.

Read More:  Ebola cases in Congo surpass 10,000 amid worsening outbreak

Matatandaan na kabilang ang Australia sa bansang nagpatupad ng pinakamahigpit na border controls nang magsimula ang COVID-19 pandemic.

Noong Disyembre ay tinanggap na ng Australia ang ilang international students at skilled migrants.