PRRD, nababahala sa nuclear submarine deal ng UK, US, Australia

Nababahala si Pangulong Rodrigo Duterte sa security pact na pinirmahan ng Estados Unidos at United Kingdom kasama ang Australia.

May kinalaman ang kasunduan sa acquisition ng Australia sa mga nuclear-powered submarines.

Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na pag-uusapan ang nasabing isyu sa gagawing pagpupulong ng Gabinete.

Read More:  PH files diplomatic protest against China over ‘monkey’ video

Pero ngayon pa lang ay sinabi ni Roque na nababahala ang Pangulo sa posibilidad ng “regional nuclear arms race”.

Una nang sinabi ni Roque na inaadopt ng Pilipinas ang nuclear weapon-free policy sa teritoryo nito, batay sa nakasaad sa Konstitusyon ng bansa.

Read More:  Two suspects arrested in killing of political vlogger Mima Alicia

Iginiit niya na bahagi rin ang Pilipinas ng Bangkok treaty kung saan ay mahigpit nitong tinututulan, kasama ang iba pang miyembro ng Association of Southeast Asian Nations, ang nuclear arms race sa rehiyon.