National artist na si Bienvenido Lumbera, pumanaw na sa edad na 89

Pumanaw na ang National Artist for Literature na si Bienvenido Lumbera sa edad na 89.

Inanunsyo ito ng kaniyang anak na si Tala sa pamamagitan ng isang Facebook post.

Read More:  China warns of more entry bans over Jing Quan dispute

Ayon kay Tala, nasawi ang kaniyang ama dahil sa kumplikasyon na dulot ng stroke.

Mababatid na si Lumbera, na isinilang noong April 11, 1932 sa Batangas, ay isang kilalang manunula, playwright at literary critic.

Read More:  DILG offers ₱50 million reward for Bato dela Rosa’s arrest

Naipagkaloob kay Lumbera ang Order of National Artist noong 2006 at kinilala siya bilang Ramon Magsaysay Awardee, na katumbas ng Nobel Prize ng Asya, noong 1993.