Proyekto mula sa DSWD FO2, ipinagkaloob sa limang barangay sa Maddela Quirino

Ipinagkaloob ng Department of Social Welfare and Development Field Office 2 ang limang proyekto sa bayan ng Maddela, Quirino.

Kinabibilangan ito ng road concreting sa Barangay Cabaruan, San Dionisio 1, San Pedro, at Villa Hermoza Sur, construction ng drainage canal sa Barangay Poblacion Sur na may kabuuang halaga na P7,709,933.00.

Read More:  Missing 19-year-old woman found dead in Cebu

Nagmula ang Php 7,500,00.00 sa pondo ng programang KALAHI-CIDSS, at P209,933.00 ay mula sa kontribusyon ng mga barangay.

Nagdulot ng malaking ginhawa sa mga residente ng nabanggit na mga barangay ang mga proyekto dahil mas mabilis na ang transportasyon ng mga ito at pagbiyahe ng kanilang mga produkto patungo sa mga pamilihang bayan.

Read More:  24 Chinese nationals arrested in Davao del Norte operation

Magsisilbi ding proteksiyon ng komunidad ang drainage canal sa Poblacion Sur sa pagbaha.

Ayon kay DSWD F02 Regional Director Lucia S. Alan, “Ang KALAHI-CIDSS o Kapit-Bisig Laban sa Kahirapan-Comprehensive and Integrated Delivery of Social Service ay isang empowerment program na nagbibigay sa mga residente ng pagkakataong makilahok mula sa project identification, prioritization, implementation, monitoring and evaluation, hanggang sa sustainability ng proyekto.