NAGA CITY- Terminated na ang imbestigasyon ng Oversight Committee ng Konseho ng Naga City sa ilang mga opisina na umano’y mayroong iregularidad sa internal processes.
Sa botong 7-4 hindi na ito maipagpapatuloy ng Konseho pero magpapatuloy ang pagbusisi sa mga opisina sa pamamagitan ng Naga City People’s Council at WeSolve Foundation na imbitado ang mga konsehal ng Naga.
Sa pagpapatuloy ng session dumating ang promonent ng resolusyon noong Mayo na si Konsehal Gomez mula sa isang court hearing, ninais nito na na i-reconsider ang mosyon ni Councilor Lito Del Rosario sa termination, dahil wala siya noong talakayin at pagbotohan ito.
Ayon kay Coun. Atty Oying Rosales, kailangan mula sa pumabor ang maghain ng motion to reconsider sa sususunod na sesyon regular; si Rosales ay isa rin sa mga hindi pumabor na tapusin ang oversight hearings ukol sa usapin.
Sa panayam ng Brigada News FM Naga kay Rosales, sinabi nitong umaasa siya na may maghahain ng mosyon lalo na’t wala namang problema kung sabay-sabay ang pagbusisi, sa ngalan ng transparency at matuldukan ang mga aligasyon. Gayunpaman inirerespeto nito ang pananaw ng ibang kasamahan.