Provincial Veterinary Office, muling nagpaalala sa publiko na sumunod sa Responsible Pet Ownership Ordinance

LEGAZPI CITY – Muling nagpaalala ang Albay Provincial Veterinary Office (APVO) sa publiko tungkol sa pagsunod sa responsible pet ownership ordinance.

Ito ay matapos makitaan ng pagtaas sa mga kaso ng rabies ang lalawigan, kung saan pumangatlo ito sa may pinakamaraming kaso sa buong rehiyon noong nakaraang taon.

Read More:  13 arrested in Cebu over P1.7M unregistered cooking oil

Ayon kay Provincial Veterinarian Dr. Pancho Mella, kailangang maisakatuparan nang mas maayos ang ordinansa dahil isinusulong nito ang responsible pet ownership, animal welfare, kamalayan sa pagkalat ng virus, at ang Zero Rabies Albay Project.

Read More:  Rider killed in suspected riding-in-tandem attack in Cebu

Sa ngayon , muli namang nagpalala si Mella sa publiko na kapag nakagat ng aso, iwasan ang tinatawag na “pagpapatandok” o ang makalumang paniniwala, mas mainam na pumunta agad sa pinakamalapit na medical facilities upang magpabakuna laban sa rabies.