LEGAZPI CITY – Naniniwala ang Ligao City Health Office (CHO) na maliit ang tiyansa ng pagkakaroon ng hawaan ng sakit na COVID-19 sa mga evacuation centers kung maayos na ipinatutupad ang health protocols sa nasabing pasilidad.
Ayon kay Dr. Wynns Samar, head ng nasabing opisina, bago pa man pumasok sa evacuation center ang isang bakwit ay dadaan muna ito sa healthcare workers upang isailalim sa screening sa symptoms tulad ng sibo, ubon at lagnat.
Maliban pa rito, dadaan din ito sa medtechs para sa evaluation o kaya naman kung ang pasyente ay prospect para sa COVID-19, mayroon namang nakahandang rapid antigen test.
Aniya, kung sakali man na mayroong magpositibo sa nasabing sakit, nakahanda na rin ang isolation room at holding area para sa paglilipatan patungo sa quarantine facility.
Sinabi pa ni Samar, mahigpit ang protocols na ipinatutupad at nagsasagawa rin ng health education para sa mga evacuees ng Ligao.