Lolo, arestado dahil sa Acts of Lasciviousness sa Oas, Albay

LEGAZPI CITY – Sa kulungan ngayon ang bagsak ng isang 60 anyos na lolo matapos arestuhin ng mga otoridad sa Purok 4, Brgy. Saban, Oas, Albay dahil sa kasong Acts of Lasciviousness.

Read More:  Army seizes seven high-powered firearms from NPA in Caraga

Kinilala ang akusado na si alyas “Domingo” residente ng nasabing lugar.

Ayon sa report, nadakip ang akusado sa bisa ng warrant of arrest na pirmado pa noong Nobyembre 28, 2008 dahil sa nasabing kaso.

Read More:  Police captain killed in shooting inside Capiz KTV bar

Aabot naman sa PHP80,000 ang inirekomendang piyansa ng korte para sa kanyang pansamantalang kalayaan.

Hawak na ito ng mga otoridad para sa kaukulang disposisyon.