Provincial Tourism Office ikukunsidera ang mga resort na wala pang DOT accreditation

CAMARINES NORTE – Inihayag ng Provincial Tourism Office na kanilang ikukunsidera ang mga resort na wala pang accreditation sa Department of Tourism (DOT) basta mayroong maipapakitang Mayor’s Permit.

Sa isinagawang Maritime Stakeholders Meeting noong nakaraang linggo na inorganisa ng Philippine Cost Guard (PCG) sinabi ni Provincial Tourism Officer Bong Palma na maaari nilang i- consider ang mga resort na mayroong Mayor’s Permit habang hinihintay ang DOT accreditation.

Aniya, importanteng makapag secure ng Mayor’s permit ang mga may ari ng resort upang hindi maging colurum ang operasyon ng mga ito.

Read More:  Transgender woman alleges discrimination in entrance exam process at Lucena City School

Hinimok din ni Palma ang mga resort owners na i- train ang kanilng mga lifeguards.

Madalas kasing problema ng mga resort owners na umaalis ang kanilang mga trained lifeguard pag nakakakuha ito ng training certification sa mga ahensiya ng gobyerno tulad ng PCG.

Read More:  Massive Davao City fire leaves 200 families homeless

Mataas daw kasi ang demand ng trained lifeguards sa mga hotel at resort lalo na sa Metro Manila kaya umaalis ang mga ito sa lalawigan.

“I advise na ang mag train mismo ay ang may sarili ng resort that’s the problem kasi eh, yung mga employees natin na pinapa- train natin but look for greener pasteur tama ka, dala- dala nila ang certificates nila,” ani Palma.

(FILE PHOTO)