LEGAZPI CITY – Pinangunahan ng Provincial Government of Albay sa tulong ng Provincial Health Office (PHO) at ng Department of Labor and Employment (DOLE) Bicol ang pagsasagawa ng medical mission at TUPAD cash aid payout sa Tabaco City, Tiwi, Malilipot, Sto. Domingo at Bacacay. Albay.
Ang bawat benepisyaryo ay nakatanggap ng kabuuhang halagang Php. 4,650.00 sa isinagawang TUPAD cash aid payout para sa kanilang 15 araw na community cleaning and services sa komunidad.
Layunin ng nasabing tanggapan na mabigyan ng asistensiya ang mga manggagawa sa iba’t ibang bayan sa pamamagitan ng community service.