Provincewide Operation Baklas ikakasa na ng Comelec ngayong linggo

Ikakasa na ngayong linggo ng Commission on Elections ang Province wide Operation Baklas.

Batay ito sa Memorandum ni Camarines Norte Provincial Election Supervisor Atty. Noriel Badiola.

Sabayang gagawin ng Comelec Task Force ang Operation Baklas sa lahat ng bayan sa Miyerkules, March 30, 2022 para tanggalin ang mga campaign materials o propaganda ng lahat ng National at Local candidates na nakapaskil sa mga lugar na labas sa itinalaga ng komisyon.

Read More:  CCTV records alleged abduction in Cebu City

Kaugnay naman nito ay nagpalabas ng hiwalay na Memorandum si Election Officer III Virgilio Veras ng Basud.

Iniutos nito sa mga kandidato at partido na tangalin na ang “unlawful election materials and propaganda” sa loob ng 72 oras matapos matanggap ang notice mula sa Election Officer.

Read More:  Mother of four dies while queuing for P20 rice in Bukidnon

Kapag hindi ito nagawa ay ipagpapalagay ng Comelec na ang personalidad, kandidato o partido ang dahilan ng violation.

Ang Operation Baklas ng Comelec ay alinsunod sa Republic Act 9006 o Fair Election Act na ipinapatupad sa pamamagitan ng Comelec Resolution No 10730 at iba pang umiiral na Memorandum.