Protesta sa bansang Bangladesh, kumitil ng higit 114 katao

Tinanggal ng Korte Suprema ng Bangladesh ang karamihan sa mga quota sa mga trabaho sa gobyerno, na nagresulta ng protesta.

Dahil sa nangyaring protesta 114 na indibidwal na ang nasawi.

Nagsimula ang kaguluhan dahil sa galit ng mga estudyante laban sa quota para sa posisyon sa gobyerno na dapat sa mga pamilya ng mga nakipaglaban para sa kalayaan ng mula sa Pakistan.

Read More:  Alhambra in Spain limits tourist access after series of earthquakes

Samantala, sinuspinde naman ang serbisyo ng Internet at text sa bansang Bangladesh at pagbabawal ng pagtitipon sa pampublikong lugar.

Read More:  4 dead, 7,000 travelers stranded at Narita Airport amid severe flooding in Japan

Sa muling termino ni Prime Minister Sheikh Hasina, mas tumaas ang bilang ng kawalan ng trabaho ng mga kabataan, at sunod-sunod na pagsasara ng mga unibersidad.

Pinayuhan naman ng US State Department ang mga mamamayan ng Amerika na huwag maglakbay sa Bangladesh. (BRIGADA NEWS INTERN JESSA  QUIROZ)