Proseso sa benepisyo ng pamilya ng namatay na sundalo, pinadali

Pinadali na ang proseso ng pagkuha ng benepisyo ng naiwang pamilya ng sundalong namatay habang ginagampanan ang kanilang tungkulin.

Ito ang ipinahayag ni Philippine Army Commanding General LTGEN Roy M. Galido sa kanyang mensahe sa selebrasyon ng 43rd Founding Anniversary ng 5th Infantry Division kung saan siya ang nagsilbing panauhing pandangal kahapon.

Read More:  Mother killed in alleged stabbing by son in Cebu

Sinabi ni Galido na ayaw niyang naghihintay ng matagal ang naiwang pamilya ng sundalo para makuha ang kanilang benepisyo.

Samantala, sinabi din ng opisyal na natanggap na ng pamilya ng dalawang sundalo na namatay matapos tamaan ng kidlat sa Kalinga ang kanilang financial benefit at sa susunod na buwan ay tatanggap na rin ng pension ang kanilang mga naiwang pamilya.

Read More:  11-year-old child killed, 16-year-old injured after uncle’s knife attack in Negros Oriental

Matatandaan na nasawi sina CPL Andrew Five Monterubio at PVT Inmongog F. Aronchay matapos tamaan ng kidlat habang sila ay nagsasagawa ng military operation noong nakaraang Linggo sa Lubuagan kalinga.