Mag-asawang sumakay sa carrier ng jeep, nahulog; babae, dead-on-arrival

Dead-on-arrival ang isang babae matapos itong mahulog sa kaniyang pagkakasakay sa carrier ng jeep sa bayan ng Lal-lo, Cagayan.

Ayon sa PNP Lal-lo, galing sa isang family outing ang mag-asawa na pawang residente ng Barangay Palayag, Amulung West kung saan kasama nila ang kanilang mga kaanak.

Read More:  Iloilo barangay councilor nabbed in buy-bust, ₱2.24M worth of shabu seized

Nang pauwi na ang mga ito ay sumakay ang mag-asawa sa carrier ng jeep at nang makarating sa pakurbadang bahagi ng daan ay nahulog ang mga ito dahilan upang magtamo ng bali sa paa ang lalaki habang ang misis nito ay nagtamo ng matinding tama sa ulo.

Read More:  Trailer truck plunges off Bukidnon bridge, three trapped for two hours

Umabot pa ng dalawampung metro ang layo bago mapansin ng drayber ng jeep na nahulog ang mag-asawa.

Sa ngayon ay inilipat na sa Cagayan Valley Medical Center ang lalaki upang mabigyan ng karagdagang atensiyong medikal.