Pilipinas, layong maging regional hub para sa smart, sustainable manufacturing at logistics – PBBM

Nilalayon ng Pilipinas na maging regional hub para sa smart, sustainable manufacturing at logistics.

Isa ito sa binanggit ni Pangulong Bongbong Marcos sa kanyang talumpati sa Indo-Pacific Business Forum sa Taguig City kaninang umaga.

Kaugnay nito binida ng Pangulo ang mga economic strength ng bansa.

Read More:  Pulse Asia survey shows Sara Duterte, Bong Go leading 2028 race

Kabilang ang pagiging outstanding ng economic achievements ng Pilipinas, kung saan lumago sa 5.5% ang ating ekonomiya noong nakaraang taon, at nalagpasan ang ibang bansa sa Asya.

Ipinagmalaki rin ng Pangulo ang patuloy na pagpasok ng mga foreign direct investments.

Read More:  Philippine Navy personnel injured in alleged China Coast Guard assault at Ayungin Shoal

Kaya naman kinilala rin ng Punong Ehekutibo ang mahalagang papel na ginagampanan ng mga bansang kasapi sa Indo-Pacific Economic Framework upang maabot ang pagiging regional hub ng Pilipinas for smart and sustainable manufacturing and services.