Proseso ng pagboto sa Mayo 9, posibleng matagal – Comelec

SORSOGON CITY – Inihayag ng Comelec-Sorsogon na maaaring abutin ng 30-40 minuto ang pagboto ng bawat botante ngayong darating na halalan.

Sa Kapihan sa PIA, sinabi ni Prov’l Election Officer Atty Alberto Canares III, ito ay  ayon sa isinagawang voting simulation ng kanilang Comelec head office sa isang eskwelahan sa Maynila.

Read More:  Husband killed, wife injured in three-vehicle crash in Bacolod

Dahil umano sa nagpapatuloy na pandemya at limitadong tao na maaaring payagan sa polling precinct ay posibleng bumagal ang proseso ng pagboto ng isang inidibidwal.

Read More:  Two college students found dead after Cagayan de Oro house fire

Maliban pa rito, susundin ang health protocol katulad ng pagkuha ng body temperature at sakaling ang isang botante ay may temperatura na mataas sa 37.5*C, dadalhin ito sa isang isolation polling place.