Project shine ng PRO2, inilunsad ngayong araw

Inilunsad ngayong araw, August 31, 2021 ng Police Regional Office 2 ang project SHINE o or Sustaining Habitually the ICP towards Notable and Excellent Service.

Layunin ng naturang proyekto na panatilihin ang Intensified Cleanliness Policy (ICP) ng PNP at flagship program ni Chief PNP PGen Guillermo Eleazar o ang kalinisan sa hanay ng kapulisan, opisina ng PNP at ng komunidad.

Read More:  11-year-old child killed, 16-year-old injured after uncle’s knife attack in Negros Oriental

Inihayag naman ni PCol. Aden Lagradante, ang Chief ng Regional Staff na layunin din ng nasabing proyekto na mabigyan ng kagalang-galang na imahe ang kapulisan sa pamamagitan ng proper grooming ng mga personnel at pagsusuot ng malinis at maayos na uniform at well-shined shoes.

Read More:  Trailer truck plunges off Bukidnon bridge, three trapped for two hours

Binigyang diin naman ni PBGen Steve Ludan na sa pamamagitan ng nasabing proyekto ay maalala ng kapulisan na sumunod sa IC upang magkaroon ng disiplina sa kanilang sarili at sa organisasyon.