CAMARINES NORTE- Umabot na sa 10 ang kabuuang barangay na nahatiran ng tulong ng Pamahalaang Panlalawigan sa pamamagitan ng programang USSAP o Ugnayan sa Siguradong Serbisyong Alay Pambarangay.
Ang programang ito ay layong mahatiran ng mga pangunahing serbisyo ang 282 barangay sa lalawigan ng Camarines Norte.
Dagdag pa rito, layunin rin ng nasabing programa na direktang makipag-ugnayan sa mga residente ng bawat barangay at mapakinggan ang kanilang mga katanungan, hinaing, at katugunan mula sa pamahalaan.
Ang departamento na direktang may kinalaman sa tanong, sumbong, hinaing o nais mahingan ng tulong ay tinatawag ng Gobernador para sa mabilis na aksyon.
Bukod pa rito, may ipinamahagi ring Food packs sa bawat household ng barangay, butong pananim at punong kahoy, libreng bunot ng ngipin, medical checkup at libreng gamot, tsinelas at Reading glasses.
Samantala, ang mga susunod na schedule ng programang USSAP ay ipalalabas ng Community Affairs Office.
