CAMARINES NORTE – Pormal nang nagsimula noong Mayo 19, 2021 ang Website Development Course sa ilalim ng digitaljobsPH program ng Department of Information and Communication Technology (DICT) Luzon Cluster 3.
Sa pakikipagtulungan ng Pamahalaang Panlalawigan, dalawamput pitong katao ang naging benepisyaryo ng naturang programa.
Magsisilbing trainor sa 18-week website development course si Ginoong Sanjay J. Khemlani na tatalakayin ang digital marketing/e-commerce, social media marketing and Advertising, Search Engine Marketing and Advertising, Content Writing, Graphic Design and Virtual Assistance



Layunin ng digitaljobsPH program na magbigay ng technical training para makakuha ng mga ICT-related jobs ang mga indibidwal na financially unstable dahil walang trabaho o kaya ay nawalan ng hanapbuhay.
Inaasahan na sa pamamagitan nito, mapapaunlad at may malilinang ang kanilang ICT-knowledge and skills at mas maraming oportunidad ng trabaho ang maghihintay sa kanila sa loob man o sa labas ng ating bansa.
Patuloy na isinasagawa ang digitaljobsPH programa para maipakilala ang local talents at local businesses sa international community.
(Photo courtesy: CAO- PGCN )

