Professionalism ng mga sundalong kasama sa RORE mission, kinilala ni Pangulong Marcos

Saludo si Pangulong Bongbong Marcos sa ipinamalas na professionalism ng mga sundalong Pilipino na kasama sa rore mission na kinuyog ng China coast guard.

Sa kanyang pagbisita kahapon sa Western Command o WESCOM sa Puerto Princesa City, binigyang diin ng Pangulo na hindi lang sya bumisita ng personal upang kilalanin ang tapang at sakripisyo ng mga sundalo, kundi para kilalanin din ang kanilang pagiging propesyunal.

Read More:  Comelec issues subpoena to contributor in Escudero’s election campaign

Ayon sa Pangulo, dahil sa mainit na sitwasyon, posibleng mas lumala ang gulo kung may Pilipinong sundalo na nagpadala sa init ng ulo.

Kaya nagpapasalamat siya sa pagiging mission-oriented ng mga sundalo.

Read More:  New DOLE Chief Tolentino vows stronger labor safety enforcement

Kasabay ng talk to the troops ng Pangulo sa WESCOM, ginawaran niya ng Order of Lapu-Lapu Kamagi medal ang 79 na sundalong kasama sa RORE mission, at Order of Lapu-Lapu Kampilan medal naman kay Seamans First Class Jeffrey Facundo ng Philippine Navy ang sundalong naputulan ng daliri.