Mahigit 1.6 million na halaga ng droga, kumpiskado ng PNP

BNFM Bicol-NAKUMPISKA ng Philippine Naational Police o PNP Bicol, sa isang linggong operasyon mula Hunyo 17 hanggang Hunyo 23 ang aabot sa 245.43 gramo ng shabu at 5 gramo ng marijuana kung saan ito ay nagkakahalaga ng P1,600,000.

Kaakibat ang iba’t ibang lokal na ahensyha ng pamahalaan, matagumpay nitong nadakip ang aabot sa 43 indibidwal mula sa 36 na operasyong isinagawa konta ilegal na droga sa iba’t ibang mga lalawigan sa Bicol.

Kasama ang 20 katao mula sa Camarines Sur, 11 mula sa Albay, 5 sa Sorsogon, 4 sa Camarines Norte, at 1 sa Masbate. Patuloy ang kabi-kabilang mga operasyon ng pulisya pati ang koordinasyon nito sa publiko para sa layuning masawata ang mga ipinagbabawal. ### Nico Merciales, Intern

Photo from Web

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *