Dating Presidental Spox. Roque, nagsampa ng counter affidavit laban kay Trillanes ng mga kasong libel

Naghain ng counter-affidavit si dating Presidential Spokesperson Harry Roque sa cyberlibel at libel complaints ni dating Senador Antonio Trillanes IV.

Hiniling ni Roque sa Quezon City Prosecutor’s Office na ibasura ang mga kaso ng libel ni Trillanes dahil sa kawalan ng probable cause.

Nagsumite rin si Roque ng counter-charge laban kay Trillanes dahil sa paglabag sa RA 3019 o “Anti-Graft and Corrupt Practices Act” at RA 6713 o “Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees.”

Aniya, ipinagkanulo ni Trillanes ang tiwala ng publiko noong 2012 sa pakikipagugnyan nito sa ilang opisyal ng China.

Pinuna rin nito ang pagka-balat sibuyas umano ng dating senador sa mga kritisismo niya dahil ang kanyang “livestream” ay may kinalaman sa pampublikong interes tulad ng soberanya, na kinakaialnagan talakayin ng bawat Pilipino.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *