DENR Bicol, lumagda ng moa kasama ang mga stakeholders sa pagbuo ng Bicol Regional Bamboo Development Council

LEGAZPI CITY – Nilagdaan na ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) Bicol ang isang memorandum of agreement (MOA) para sa pagbuo ng Bicol Regional Bamboo Development (BRBD) Council sa 2023 Regional Productivity & MSME Congress.

Pinangunahan ito ni DENR Bicol Regional Executive Director Francisco E. Milla, Jr. kasama ang iba pang mga kawani ng iba’t ibang ahensya ng gobyerno na mula sa Department of Trade and Industry (DTI) Bicol, Department of Agriculture (DA) Bicol, Department of Science and Technology (DOST) Bicol, Department of Labor and Employment (DOLE) Bicol, Department of Education (DepEd) Bicol, League of Municipalities of the Philippines (LMP), at Orgullo Kan Bicol Association.

Read More:  How This Family Business in GenSan is Modernizing for a New Era of Doing Business

Ang BRBDC na pangungunahan ng DTI ay tututuon umano sa pagsulong ng industriya sa rehiyon na tukuyin ang mga puwang sa supply-value chain ng industriya ng bamboo sa rehiyon at tukuyin ang pinakaangkop na mga aktibidad upang matugunan ito.

Bilang bahagi ng konseho, ang ahensya ay mananagot sa pagtukoy ng mga angkop na lugar para sa pagtatanim ng kawayan kabilang ang pagbuo ng mga teknolohiya at pagsasanay sa paggawa ng bamboo sa pakikipagtulungan ng DENR Ecosystem Research and Management Bureau (ERDB).

Read More:  Doctor robbed by riding-in-tandem suspects in Bacolod

Dapat din itong magbigay ng teknikal na tulong sa pagsasagawa ng survey, pagmamapa, pagpaplano, at profiling ng mga angkop na lugar para sa mga plantasyon ng Bamboo.

Layunin ng 2023 Regional Productivity & MSME Congress na dalhin ang pagtaas ng competitiveness, innovation at resilience ng mga industriya at serbisyo, pagbutihin ang access sa pananalapi, pagpapahusay ng produktibidad, at palawakin ang access sa merkado ng MSMEs.