Produksyon ng bigas sa Isabela, inaasahang tataas pa

Inaasahang tataas pa ang produksyon ng bigas sa lalawigan ng Isabela sa pamamagitan ng ipinakilalang rice collaboration project ng Taiwan Technical Mission sa ilalim ng Taipei Economic and Cultural Office at International Rice Research Institute.

Ipinaliwanag ni Dominick T.C. Lee, ang kanilang team leader na layunin nilang mailunsad ang kanilang proyekto na pinapayagan ang mga Taiwanese technical personnel na magbigay ng direktang technical consultation at assistance.

Read More:  Massive Davao City fire leaves 200 families homeless

Aniya, makatutulong ang rice collaboration project sa pagpapataas ng produksyon ng bigas sa lalawigan.

Nagsagawa rin ng symposium na dinaluhan ng mga kawani ng DA Region 2, PhilRice, rice-producing cooperatives, postharvest processing manufacturers at mga department heads ng pamahalaang panlalawigan kung saan nakatuon ito sa pagtukoy sa mga problemang nakakaapekto sa kabuoang produksyon ng bigas sa Lambak.

Read More:  Residents complain of foul odor from mango company in Malandag

Kabilang sa mga isyu na tinalakay ay ang probisyon ng hybrid at inbred seeds, water management, kakulangan sa irrigation facilities, at iba pa