Government employee at OFW, prayoridad sa 4PH program sa Cauayan City

Magiging prayoridad sa ipatatayong Pambansang Pabahay para sa Pilipino ng pamahalaan sa siyudad ng Cauayan katuwang ang Department of Human Settlement and Urban Development ang mga government employee , OFW na wala pang sariling bahay at mga pamilyang nasa mabababang lugar.

Ito ang inihayag ni City Mayor Caesar Jaycee S Dy Jr sa kaniyang naging mensahe sa isinagawang construction kick off event ng “Pueblo De Cauayan” kahapon sa Cauayan City Entertainment and Cultural Center Bypass Road San fermin Cauayan City .

Read More:  ₱15.6-million worth of shabu seized in Davao City buy-bust operation

Ayon kay Mayor Dy, sa pamamagitan ng nasabing programa, tiyak na magkakaroon ng disenteng bahay ang bawat Cauayeño.

Magsisilbing developer sa proyekto ang Ropali Land katuwang ang DHSUD at PAG-IBIG.

Ipapatayo sa 1.4 na ektaryang lupain ang limang tower na mayroong labing dalawang palapag bawat tower at may kabuuang 1,430 na residential unit at 60 na commercial unit.

Read More:  20-year-old caretaker killed in Cebu robbery case

Layunin ng proyekto na matugunan ang kakulangan ng bahay para sa bawat Pilipino, na isa sa mga pangunahing programa ni Pangulong Marcos .

Sa ilalim ng programa, kinakailangang makapagpatayo ng anim na milyong bahay sa loob ng anim na taon.