Registration para sa March 2023 Career Service Examination – Pen and Paper Test magsisimula na sa November 16

CAMARINES NORTE – Inanunisyo ng Civil Service Commission na magsisimula na ang registration sa November 16, 2023 para sa March 3, 2024 Career Service Examination Pen- Paper Test.

Ayon sa CSC lahat ng interesadong aplikante kasama na ang Senior Citizens, Persons with Disability at buntis ay required na kumpletuhin ang kanilang profile at application details sa pamamagitan ng link na makikita sa CSC official facebook page.

Read More:  Davao City plans 20 new buses, digital tracking system

Ang tatanggapin lang ng CSC Field Office ay tanging ang downloaded application form na naglalaman ng kumpletong profile at system generated appcode ng applicant.

Ayon sa Camarines Norte CSC Provincial Field Office “First Come, First Served” basis ang pagtanggap ng application subject sa daily slots kada Field Office.

Lilimitahan din ang pagtanggap ng applications ng mga buntis. Tatanggapin lang ang application sa mga buntis na mag aanim na buwan sa mismong examination day.

Read More:  8 goats found dead with bite marks in Antique

Mula November 20- 23, November 28- 30 at December 4- 6, 2023 ang filing ng application sa Camarines Norte na gaganapin sa SM City Daet mula alas 10 ng umaga hanggang alas 5 ng hapon. Nasa 145 slots kada araw ang nakalaan para sa Camarines Norte.