Produksyon ng baboy sa Siruma, Camarines Sur, hindi apektado ng mainit na panahon

CAMARINES SUR – Halos lahat ng sektor ngayon, naaapektuhan na ng matinding init ng panahon ngunit ang produksyon ng baboy sa Siruma, Camarines Sur, tila hindi ramdam ang hirap sa kabila ng mainit na temperatura.

Ito ang napag-alaman ng Brigada News FM Naga kay Pio Balanay Jr., ang Municipal Agriculture Officer sa bayan ng Siruma. Isa sa mga dahilan kung bakit wala silang nagiging problema sa produksyon ng baboy ay dahil sa pagpapanatili nito ng malinis na kulungan at maayos na bentilasyon. Aniya, maliban sa pag-iwas sa labis na init ng temperatura, iniiwasan din nila ang pagkakaroon ng mga heat related disease ng mga baboy.

Nananatili pa naman sa normal na presyo ang mga baboy ngayon sa bayan kung saan naglalaro ito mula 180 hanggang sa 300 pesos ang bawat kilo nito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *