Iginiit ni Senate President Juan Miguel F. Zubiri na ang procurement reforms ng pamahalaan ang siyang magpapabilis sa pagbili ng mga defense equipment na kailangan ng bansa para maprotektahan ang teritoryo nito, lalo na mula sa ilegal na pananalakay ng China sa West Philippine Sea.
Ito ang naging pahayag ni Zubiri matapos manawagan na tanggalin na ang mga nakabara sa procurement ng mga goods at services.

Mariing sinabi ng senador na ang acquisition process ay dapat maging mahigpit pero mabilis upang matatanggap ng mga recipients ang tamang equipment sa tama ring panahon o oras.
Dapat din aniyang makuha ng Pilipinas ang mga best equipment, kahit na medyo mahal ito, dahil pagdating sa military spending – ang pinakamura ay maaaring masira rin agad.