Naniniwala si Finance Secretary Benjamin Diokno na ang paggamit ng net dept kada-tao bilang presentasyon ng national debt ay isang political statement at hindi ang tamang paraan ng pagsukat ng ekonomiya ng bansa.
Binigyang-diin ni Diokno na ang tamang pag-assess sa Philippine economy ay depende sa mga taong nakikinabang o may benepisyo mula sa government budget, at kung paano nito naaapektuhan ang naturang mga indibidwal.

Mababatid na nababahala ngayon ang ilang mga senador sa tumataas na halaga ng utang ng bansa, kung saan sasampa na ito sa P15.8 trillion sa katapusan ng taong 2024.
Ibig sabihin, bawat Pilipino ay may babayarang utang na P141,000.
Sa kabila ng substantial debt na P14.15 trillion noong Hunyo ngayong taon, tiniyak naman ni Diokno na ang debt-to-gross domestic product (GDP) ratio ay dapat kinokonsidera, imbis na mag-focus lang mismo sa halaga ng utang ng bansa.