Problema sa insurhensya, sentro ng naging talakayan sa ‘information awareness drive’ ng Philippine Army sa mga estudyante ng Tiwi Community College sa Albay

BNFM BICOL—Dahil sa layuning mabigyan ng sapat na kaalaman ang mga kabataan kaugnay ng insurhensya at pag-iwas sa mga itong hindi mapabilang sa recruitment ng mga rebeldeng grupo, isinagawa nitong nakaraang araw sa Tiwi Community College sa lalawigan ng Albay ang ‘Information Awareness Drive.”

Read More:  13 arrested in Cebu over P1.7M unregistered cooking oil

Dinaluhan ito ng nasa mahigit 100 estudyante ng naturang paaralan na sumasailim sa ROTC program.

Pinangunahan ang naturang programa ng 9th Infantry Division Philippine Army at iba pang grupo ng mga kasundaluhan sa lalawigan.

Read More:  Partner named person of interest in marine biologist’s killing

Kabilang sa mga tinalakay sa loob ng forum ang tungkol sa suliranin sa insurhenya ng bansa at kung paano ito masosolusyunan gayundin ang pagbibigay kaalaman sa mga kabataan sa kahalagahan ng edukasyon sa pamilya at bayan.###