Problema ng tubig sa Koronadal, asahan!

KORONADAL CITY – DAHIL sa mga inaasahan na problema sa suplay ng tubig sa susunod na mga panahon, tinututukan ngayon ng City Environment and Natural Resources Office o CENRO ang pag-rehab sa mga contributory factors na nasa kabundukan upang mapaghandaan ang problemang ito.

Ito ang inihayag ni Allan De Lima ng CENRO kung saan problema ngayon ang nakasanayang pamamaraan at proseso ng mga indibidwal na tumitira sa kabundukan kung saan kailangan na makapagsagawa ng hakbang upang ma-address ang scarcity ng tubig sa lungsod.

Ayon kay De Lima, apektado din ngayon ang lungsod ng global warming kung saan makakaapekto pa sa oras na makapag-operate na umano ang mining kung saan hindi maitatanggi na lubos na maapektuhan ang Koronadal City.