Pro-modernization groups – magsasagawa ng ‘unity walk’ para ipanawagang ituloy ang naturang programa

Nakahanda na ang mga pro-modernization groups para sa kanilang “Unity Walk” sa Lunes.

Ito ay bilang pag-apela kay Pangulong Bongbong Marcos na huwag suspindihin ang Public Transport Modernization Program.

Read More:  Romualdez camp says Bonoan may be pressured to link former speaker to flood control probe

Paglilinaw ng mga consolidated na mga transport groups – ang gagawin nilang aktibidad ay hindi transport strike.

Magpapatuloy umanong bumiyahe ang ilan nilang miyembro upang ma-minimize ang epekto ng ikakasang hakbang sa mga komyuter.

Read More:  Cayetano seeks Senate approval for Estrada, Marcoleta trial participation

Planong isagawa ang pagmamartsa sa Lunes, mula Welcome Rotonda sa Quezon City, hanggang Malacañang.