Satisfaction ratings ni PBBM – nag-bounce back sa SWS survey

Nagsisimula nang maka-recover ang performance rating ni Pangulong Bongbong Marcos, matapos ang mababang rating na nakuha noong Marso.

Batay sa Social Weather Stations (SWS) survey na isinagawa noong June 23 hanggang July 1 – 55% ng mga Pilipino ang satisfied sa performance ng Pangulo; 15% ang undecided; at 28% naman ang dissatisfied.

Read More:  NBI says it has information on Sen. Bato dela Rosa’s location

Kumpara noong March 2024, ang gross satisfaction ng presidente ay umakyat mula 50%; ang undecided ay bumaba mula 19%; habang bahagya ring bumaba sa 31% ang gross satisfaction.

Samantala, 9% naman ng mga respondents ang nagsasabing inaasahan nilang magagawa ang lahat o ang halos lahat sa mga campaign promises ni Pang. Marcos; 17% ang nagsabing matutupad ang maraming pangako; 48% ang nagsabing iilan lang ang magagawa sa mga ipinangako; habang 23% naman ang hindi naniniwalang magagawa ng Pangulo ang mga inilatag nitong pangako noong kampanya.

Read More:  Sen. Pia Cayetano elected new chairperson of Senate Blue Ribbon Committee