Target simulan ng mga pribadong kolehiyo ang pagbabalik ng kanilang face-to-face classes sa Enero o Pebrero 2022.
Ayon sa Coordinating Council of Private Educational Associations (COCOPEA) naghahanda sila para makapag-aplay sa Commission on Higher Education at LGU para tamang-tama umano sa pagsisimula ng second semester.
Sinabi rin ni COCOPEA Managing Director Joseph Noel Estrada, na tumutulong din sila sa CHED para mapaganda pa ang mga panuntunan.

Una nang pinayagan ng CHED ang face-to-face classes sa mga kolehiyo sa ilalim ng Alert Level 2 sa 50% capacity. //MHEL PACIA-TRINIDAD