Printing ng SONA materials, matatapos ngayong linggo

Tiyak na matatapos ngayong linggo ang pag-imprinta sa lahat ng materials na gagamitin para sa pangalawang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa Lunes.

Ayon kay House of Representatives Printing and Reproduction Service Director Edwin Avenido, tapos nang i-print ang invitations, IDs, car passes, SONA programs, at iba pang printing request ng House Members, at House secretariat.

Read More:  Marcos rejects claim flood control cases target Senate majority

Sinabi naman ni Avenido na matatapos ngayong linggo ang pag-imprinta sa lahat ng kopya ng 19th Congress Legislative Performance Report.

Read More:  Madriaga included in VP Sara impeachment witness list

Sa huli, nangako ang director na handa ang naturang opisina para sa mga supplies, equipment, at technicians kung sakaling kailanganin ang dagdag na printing services para sa ikalawang SONA ni Pangulong Marcos.