CAMARINES NORTE- Tiniyak ng pamunuan ng Primewater na handa itong magrasyon ng tubig sa mga eskwelahang namomroblema sa suplay lalo na ngayong sinimulan na ang implementasyon ng limited face-to- face classes sa Camarines Norte.
Ito ay harap na rin ng mas tumaas na pangangailangan sa malinis na suplay ng tubig sa mga eskwelahan dahil sa pagbabalik eskwela ng nasa mahigit 87,000 na mga estudyante.
Ayon kay Primewater Branch Manager Engr. Mark Anthony Muroda sa ngayon ay namomonitor umano nila na mayroong problema sa tubig sa dulong bahagi ng bayan ng Mercedes.
Low pressure to no water situation din ang nararanasan sa Mocong area sa bayan ng Basud.
Sa Daet Elementary School naman ay mayroon aniyang suplay ng tubig na una na ring pinatotohanan ng Principal ng naturang paaralan.
Maari umanong mag- request o makipag ugnayan sa kanilang opisina ang mga eskwelahan kung kailangan ng rasyon ng tubig upang maisama sa schedule ng kanilang truck.
Mas mainam din umano kung may paglalagyan ng tubig sa eskwelahan para pagdating ng truck ay pupunuan na lang.
Mahalaga ang malinis na suplay ng tubig sa mga eskwelahan dahil bahagi ito ng kanilang compliance sa health protocol.
Importanteng mayroong sapat at malinis na tubig sa mga handwashing at tooth brushing facility ng eskwelahan.
