Prime Water Sorsogon City, tiniyak ang sapat na suplay ng tubig sa pagbubukas ng SM mall

SORSOGON CITY – Magiging sapat pa rin ang suplay ng tubig sa bawat bahay sa lungsod, ito ay sa kabila ng napipintong pagbukas ng SM mall sa susunod na taon, ito ang naging pahayag ng Branch Manager ng Prime Water Inc. na si Engr. Henrickson Latonio nang makapanayam ng Brigada News FM-Sorsogon.

Read More:  Farmers’ daughter from Bukidnon tribe tops CPSU Batch 2026 graduates with 1.17 GWA

Paliwanag nito, umano’y nasa 600 cubic meters /day ang capacity na kakailanganin na  tubig ng nasabing mall at kayang kaya pa umano ito ng kanilang mga water sources dahil kaya nilang mag suplay ng hanggang 3000 cubic meters/day.

Read More:  Duterte slams Tinio over Davao flood complaint, questions Marcos admin silence

Aniya pa,  nakahanda na rin ang kanilang bagong water sources sa distrito ng Bacon na kayang magbigay ng hanggang 5000 cubic meters sa lahat ng member consumers.